Pasko sa Pinas!
Mano Po Ninong, Mano Po Ninang!!!
Pasko sa Pilipinas ay ibang iba..Simbang Gabi..putobongbong..bibingka..mga ilaw na kumukutitap kahit saan ka tumingin. Ibang iba and Pasko sa atin. Sa bisperas ng Pasko.. pagkatapos ng misa, ayan na ang noche buena..kainan na!! tapos, mga regalo!!! ay ang saya. Para kay ate, para kay kuya, para kay nanay, para kay tatay -regalo regalo regalo.. Gising ang karamihan hanggang mga alas tres o alas quatro ng umaga. Hindi pa tapos ang kasiyahan. Araw ng Pasko!! kainan nanaman.. kadalasan, sa bahay ni lola ang handa o di kaya sa bahay ng kuya. Palitan uli ng regalo. Daig pa ata yan sa christmas sack ni Santa Claus. Aguinaldo galing sa mga ninong at ninang. Pila na!
Ibang iba talaga ang pasko sa Pinas! Apat na taon na ata yung huling uwi ko. Mas nakaka-miss. Sana sa susunod na pasko, makapiling ko ang pamilya ko.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. :)

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home